166
mangingisda
By

Mga mangingisda sa Manila, Laguna de Bay, hirap sa El Niño

Umaaray na rin ang hanay ng mga mangingisda dahil maging sila ay apektado na rin ng nararanasang El Niño phenomenon.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kasama sa mga apektado ang mga nangingisda sa Manila Bay.

Dati raw ay nasa pito hanggang sampung kilo ang dami ng isdang nahuhuli sa Manila Bay sa bawat paglalayag, pero ngayon, bumaba na ito sa tatlong kilo.

“Small fishers are now enduring the diminishing fish catch due to El Niño. Oftentimes, there’s only an empty net to bring home. Fishing during El Niño is more difficult than usual because fish and other marine species migrate and move to deeper waters to find cooler temperature. Drought also triggers ecological disturbances such as massive fish kills and red tide phenomenon which effectively disrupt our fishing activity,” saad ni Fernando Hicap, PAMALAKAYA National Chairperson.

Sa Laguna de Bay naman, bumaba na sa all-time low ang farm gate price ng aquatic fish species dahil sa matinding init.

Gaya ng tilapia na dati ay nasa P50 kada kilo ang farm gate price, ngayon ay nasa P20 kada kilo na.

Ang bangus naman na dati ay nasa P60 kada kilo ang farm gate price, ngayon ay nasa P50 kada kilo na.

“During dry spell, fish in Laguna de Bay acquires earthy-taste and smell (gilik) because they go deep down the lake, making its farm gate price to drop because consumer demand for any kind of fish harvested during this season is very low. This reduces further whatever income small fishers can bring home to their families,” Ronnel Arambulo, coordinator of PAMALAKAYA in Laguna de Bay explained.

Dahil dito, umaapela ang PAMALAKAYA sa Department of Agriculture (DA) at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng agarang tulong sa mga apektadong mangingisda na ang kabuhayan ay apektado ng tag-init.

“El Niño starves the rural people especially the fishers and farmers as they are the frontline casualties of this prolonged dry spell. Without delay, BFAR should address this devastating phenomenon by mobilizing its calamity fund to the drought-stricken fishing and rural communities for them to continue their production and sustain their families’ daily needs,” pagtatapos ni Hicap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?