4,077

Apr 1, 2020 @ 7:35
By

Mga manggagawa pwedeng dumiretso sa DOLE para sa P5,000 ayuda

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III kahapon, pwede nang ang mga empleyado na mismo ang pumunta sa Department of Labor and Employment para sa P5,000 pinansyal na tulong, kung ayaw silang tulungan ng kanilang employer.

“We advise the worker na sabihan ‘yung mga kasamahan niyang worker na sila na lang mag-submit sa amin. Tapos ipapadala na lang namin ito [via money remittance]. Di na namin ipapadaan sa employer,” wika ni Bello sa isang virtual press briefing.

Mga employer ang unang sinabihan ng DOLE na mag-apply ng naturang cash assistance, ngunit sabi ng ilang manggagawa, tumanggi ang kanilang mga boss na magsumite ng requirements.

Sakaling maapruba ang hiling, ipadadala aniya ng DOLE ang pera via remittance centers sa loob ng dalawang araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?