28

Mar 26, 2020 @ 9:18
By

‘Mga mamimili dapat papasukin kahit walang quarantine pass’

Ayon sa isang netizen, ‘di naman nakasaad sa mga panuntunan ng lockdown sa Luzon ang pagharang sa mga mamimili na walang dalang quarantine pass.

“Dear Rustans and S&R, wag kayong gago. Hindi kasama sa IRR Ng lockdown ang quarantine pass. Matuto kayo magbasa imbes makinig Sa chismis,” tweet ni Stella Arnaldo, matapos makitang naghigpit ang S&R at Rustan’s.

Nagbanggit ang netizen ng mga tindahan na may kaparehong patakaran na “no quarantine pass, no entry.”

Sinabi rin nilang may ibang pamunuan sa Luzon na hindi nagi-issue ng quarantine pass.

Una nang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, sa ulat ng Business World, na hindi dapat itaboy ang mamimili, basta’t ito ang nakatalagang shopper ng kanilang tahanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?