130

By

Mga magsasaka, mangingisda na apektado sa Taal Volcano eruption tulungan!

Kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal, nararapat na siguraduhin ng Department of Agriculture (DA) na mapanatili nito ang daloy ng supply ng pagkain upang maiwasan ang posibleng pagsirit ng presyo ng mga ito.

Ito ang binigyang-diin ng ilang mambabatas, kasabay ng panawagan sa ahensiya na agad bigyan ng alternatibong pangkabuhayan ang mga apektadong magsasaka at mangingisda.

“The Department of Agriculture must make sure food supply lines remain intact to avert any possible inflation impact. The DA must immediately attend to the farmers and fisherfolk in their hour of need,” ayon kay House Deputy Speaker Rep. Michael Romero.

Bukod dito, dapat pa rin aniyang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang masiguro na maayos ang daungan at kalsada dahil mahalaga ito sa daloy ng kalakal at pagdadala ng supply ng pagkain sa kanayunan.

Minungkahi pa ng kongresista, ang mga apektadong mangingisda sa Taal ay maaaring i-relocate sa palaisdaang bayan ng Laguna de Bay, habang dapat aniyang magkaloob ng ‘unconditional cash grants, interest-free loans’ para sa livelihood recovery ng mga magsasaka.

Gayundin ang panawagan ni ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo para sa madaliang pagtulong sa mga magsasaka at mangingisda, na kasalukuyang nalalagay sa alanganin ang kaligtasan at kabuhayan.

“With the eruption of Taal Volcano, the farmers and fisherfolk of Batangas, Cavite, and Laguna are my immediate concerns. Their safety and livelihood are now under threat,” ayon pa kay Tulfo, kasabay ng panawagang agarang ipadala sa kanila ang mga relief good.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?