68

By

Mga magbe-vape sa public place, huhulihin na ng PNP

Idineklara ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Police Lt Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng kampo at himpilan ng pulisya sa buong bansa bilang “no-vaping zones”.

Ayon Kay PNP spokesperson Pol Brig Gen Bernard Banac, ang direktiba ni Gamboa ay alinsunod sa pagbabawal ng Pangulong Duterte sa pag-vape sa mga pampublikong lugar.

Babala ni Gamboa, ang mga pulis na mahuhuling lalabag sa kautusan ay mahaharap sa disciplinary action.

Ang mga heads of Offices at mga unit commanders ang magiging accountable sa pagpapairal ng vaping-ban sa kanilang mga tauhan.

Kasabay nito inatasan ni Gamboa ang lahat ng Police units na istriktong ipatupad ang vaping-ban sa buong bansa.

Ipinag-utos ni Gamboa ang pag-arresto ng mga lalabag sa vaping ban at pag-blotter nito sa police records, kasabay ng pagkumpiska sa vaping paraphernalia at pag-account sa mga tindahan ng vape.

“In compliance with the order of the President, PNP OIC PLtGen Archie Francisco Gamboa has directed, effective today, all police units nationwide to enforce the ban on use of vapes; ensure that all violators will be arrested and properly recorded in the police blotters; confiscated items are accounted for and disposed of properly; and coordinate with local government units and agencies, vape stores and owners to enhance the enforcement of the ban. Likewise, all PNP personnel are directed to refrain from violating the directive or risk disciplinary sanctions. All heads of offices and chiefs of police units in all levels are held accountable for the strict enforcement and compliance of their personnel with the ban,” saad sa statement na inilabas ni Banac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?