27

Jun 30, 2020 @ 21:15
By

Mga LTO transaction puwede na online

Maaari nang isagawa ang pag-aaplay ng driver’s license at iba pang transaksyon sa Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng Land Transport Management System (LTMS).

Kasalukuyan itong available sa 24 opisina ng LTO nationwide.

Sa bagong LTMS, puwedeng mag-submit ang mga applicant ng application para sa new application at renewal ng driver’s o conductor’s license, at iba pa.

Maaari rin silang mag-book ng appointment at magbayad ng driver’s license online sa pamamagitan ng pag-register ng account sa portal.lto.gov.ph.

Kasama rito ang application para sa student permit pero sinuspinde ito mula Hulyo 1 hanggang Agosto 3.

Ang mga sumusunod na LTO office ang nag-aalok ng online service sa Metro Manila:

· Central Office-License Section

· Quezon City Licensing Center

· Eastwood Driver’s License Renewal Office

· Ever Gotesco Driver’s License Renewal Office

· Muntinlupa District Office

· Laoag District Office

· Bayombong District Office

· Lipa District Office

· Naga District Office

· Calapan District Office

· Baguio Licensing Center

· San Fernando Licensing Center

· Angeles District Office

· Biñan District Office

· Tagbilaran District Office

· Dumaguete District Office

· Roxas District Office

· Ormoc District Office

· Pagadian District Office

· Malaybalay District Office

· Butuan District Office

· Tagum District Office

· Davao District Office

· General Santos District Office

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?