99

By

Mga lilipat sa Italya babayaran nang higit P40K kada buwan

Gusto mo bang manirahan abroad at kumita nang €700 o P40,000 kada buwan dahil lang sa paglipat sa Italya? Chance mo na!

Kaunti lang kasi ang mga residente at trabaho sa rehiyon ng Molise sa Italya kaya nag-anunsiyo si Pangulong Donato Toma ng inisyatibang “Active Residence Income”.

Bukod sa buwanang sahod sa loob ng tatlong taon, kailangan ding magsimula ng negosyo ang mga bagong residente sa anumang 136 na nayon sa Molise.

Sinabi ni regional councillor Antonio Tedesco sa CNN Travel, layon nitong maparami ang kasalukuyang 300,000 na populasyon ng nasabing rehiyon habang pinalalago rin ang imprastruktura para sa mga susunod na henerasyon.

“I want my region to undergo a renaissance and avoid its authentic villages turning into ghost towns,” aniya. “We need to safeguard our roots.”

Marami kasing residente sa Italya ang lumilipat sa mas malalaking mga lungsod upang maghanap ng trabaho.

Ayaw din umano ng gobyerno ng Molise na simpleng limos o charity lang ang ipanghihikayat nila sa mga lilipat.

“If we had offered funding, it would have been yet another charity gesture,” ani Toma sa The Guardian.

“We wanted to do more; we wanted people to invest here. They can open any sort of activity: a bread shop, a stationery shop, a restaurant, anything. It’s a way to breathe life into our towns while also increasing the population,” dagdag nito.

Sinimulan itong inisyatiba noong Setyembre 16, 2019 na bagama’t bibigyang-prayoridad ang mga young couple at mga pamilya ay bukas sa publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?