47

By

Mga LGU hahatulan na sa clearing ops

Sesentensiyahan na ng validation teams ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa pagtatapos ng deadline ng ipinag-utos na clearing operations sa Lunes, Setyembre 30.

Isang araw ito matapos ang 60-araw na deadline upang linisin at alisin ng mga local government unit (LGU) ang lahat ng road obstructions sa kanilang mga nasasakupan.

Ang validation team ay binubuo ng Local Government Operations Officer at mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, DILG-accredited non-government organization at media.

Ang mga nabanggit ang huhusga kung pasado o hindi ang isinagawang clearing operations ng mga LGU sa kanilang nasasakupan.

Bibigyan naman ng show cause order ang mga LGU na hindi tumalima sa mga panuntunan ng DILG ukol sa road clearing saka isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte

Apela naman ng ahensya sa publiko, makiisa sa clearing operations at sila na mismo ang magtanggal ng mga bagay-bagay, istraktura o ano pa mang kagamitan na nakahambalang sa kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?