761

By

Mga kriminal nga pinagpapaliwanag! Albayalde bigyan ng tsansa – Duterte

Hindi dapat magdali ang mga kritiko sa pagbansag kay Philippine National Police (PNP) chief Gen Oscar Albayalde bilang ‘ninja cop’.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat ay bigyan ng tsansa si Albayalde na idepensa ang sarili dahil bawat indibiduwal ay inosente habang hindi pa nililitis ng korte.

“Kung yung mga kriminal may presumption of innocence. You know, Albayalde is the PNP chief. Give me clear proof that he was there on the trafficking of drugs. Just because he was the, tapos may tinawagan sya,” ayon kay Duterte.

“I could not just do it in knee jerk. I have to follow procedural due process and allow him to answer. It’s given to kidnappers, it should be given to him,” paliwanag ng Pangulo.

Matatandaan na nasangkot si Albayalde sa usapin ukol sa mga ninja cop o ‘yung mga nagre-recycle ng droga dahil sa pagtawag nito noon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Director General Aaron Aquino ukol sa dismissal ng 13 pulis sa Pampanga dahil sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?