30

By

Mga Korean, numero uno pa ring bisita sa bansa

Masayang binalita ng Department of Tourism (DOT) na patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga dayuhang turistang bumibisita sa bansa.

Batay sa monthly report na nilabas ng DOT, nakapagtala ang bansa ng kabuuang 6,800,052 na bisita mula Enero hanggang Oktubre nitong 2019.

Katumbas ito ng 15.04 porsiyento na pagtaas mula sa 5,911,161 tourist arrivals sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Numero uno pa rin sa dami ng bumisita sa bansa ang mga South Korean kung saan umabot sa 1,609,172 ang bilang nila na dumating sa bansa.

Pumangalawa ang mga Chinese sa 1,499,524 arrivals kasunod ang mga Amerikano sa 872,335.

Nanatili naman sa fourth place ang mga Hapon sa 569,625 habang panlima ang mga Taiwanese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?