51

By

Mga kongresista nakapagtala ng record-high sa attendance

Pinapurihan ni House Deputy Speaker Neptali Gonzales II ang kanyang mga kapwa kongresista dahil sa dedikasyon ng mga ito sa trabaho.

Ito’y matapos magtala ng record-high average na 247 representatives ang dumalo sa 18 session days ng House of Representatives simula nang magbukas ang 18th Congress nitong Hulyo 2019.

“I have been a member of several Congresses, and I am truly elated by the record attendance of House members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano,” saad ni Gonzales.

Ang mataas na attendance umano ng mga kapwa niya mambabatas ay nagpapakita ng disiplina, hard work, deep passion at interes ng mga ito na magsilbi sa mamamayan.

Dahil din sa consistent umanong pagpasok ng karamihan sa mga kongresista, epektibong nakakapagsagawa ng committee budget hearings sa proposed General Appropriations Bill para sa 2020 at iba pang panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?