1,951
crime-scene-dead
By

Mga killer ni Christine Silawan, mas gustong hulihin nang buhay

Mas nais ng mga pulis na mahuli nang buhay ang mga salarin sa pamamaslang kay Christine Lee Silawan, ang 16-anyos na estudyante na natagpuang patay at balat ang mukha sa bakanteng lote sa Barangay Bangkal, Lapu-Lapu City noong Marso 11.

Ito umano ay para harapin ng mga salarin ang publiko at maitanong kung bakit ginawa ng mga ito ang ganoong karumal-dumal na krimen.

“We want him to be arrested alive. We are hoping na we can catch him alive and that he will not fight with us. We will let him surrender so that he can face the public and the query of the people — how did it happen and why did he do it? And we will do our part revealing to the people nganong siya ang ginatudlo,” saad ni Lapu-Lapu City Police Office Director Police Sr. Supt. Limuel Obon sa report ng Inquirer.

Tumanggi namang tukuyin ni Obon ang pagkakakilanlan ng mga salarin para hindi maapektuhan ang ginagawa nilang pagha-hunting pero ang pinaka-suspek umano ay lalaking nakapalitan ng mensahe ni Silawan na may nakabinbing kasong murder.

Sa panig naman ng nakatatandang kapatid ni Christine na si Lousiline, nais nitong magdusa sa kulungan ang mga salarin sa halip na mamatay agad ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?