67
Mga kendi kabilang sa P2M halaga ng droga na nasabat sa NAIA
By

Mga kendi kabilang sa P2M halaga ng droga na nasabat sa NAIA

Iba’t ibang estilo ang ginawa ng mga drug smuggler pero bigo pa ring maipuslit ang mga iligal na droga sa bansa matapos itong mabisto ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).

Ayon sa ulat ng Balitanghali, kabilang ang mga hemp gummy candies sa may P2 milyong halaga ng droga sa dalawang shipment na nasabat sa NAIA.

Naglalaman din ang dalawang shipment ng pinatuyong dahon ng marijuana na idineklarang pancake mix at lotion mula sa USA; .027 kilo ng shabu na isinilid sa isang envelope at dadalhin sana sa Bahrain; 0.54 kilo ng ecstasy na nagkakahalaga ng P1.7 milyon na itinago naman sa isang printer mula sa The Netherlands; at .0135kgs ng cocaine na idineklara namang mga laruan na mula sa USA.

Samantala, itinurn-over na ang mga nakumpiskang droga sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?