17
mary-jean
By

Mga kaso vs Palawan town mayor isinampa ng mining firm

Naghain ng iba’t ibang kaso ang Ipilan Nickel Corp. (INC) laban kay Brooke’s Point Mayor Mary Jean Feliciano sa Office of the Ombudsman.

Ito umano ay dahil sa hindi pagtanggap ng alkalde sa occupational fee payment ng kumpanya kaugnay sa mineral production-sharing agreement.

Ayon sa resident mine manager ng Ipilan na si Engr. Ferdinand Libatique, hindi tinanggap ni Feliciano ang P212,700 na bayad para sa period na Disyembre 7, 2017 hanggang Disyembre 8, 2018.

Nilabag umano ng alkalde ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at ang Philippine Mining Act of 1995.

Dahil sa kabila na nagpresinta na ang Ipilan ng sulat mula sa Mines and Geosciences Bureau at Department of Environment and Natural Resources na nag-uutos kay town treasurer Emma Tabangay na tanggapin ang bayad nila ay tumanggi pa rin ang mayor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?