31

By

Mga karibal nilampaso ni Hidilyn

Una sa Olympics, sunod sa Asian Games at ngayon ay sa SEA Games naman pinasaya ni Hidilyn Diaz ang mga kababayang nag-abang sa kanyang performance.

Malinis na binuhat ng 28-anyos na Zamboanguena ang una niyang gold medal sa SEA Games kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nilampaso ni Diaz ang mga nakatapat para mag-reyna sa women’s 55-kilogram division.

Nag-silver na si Diaz sa 2016 Rio Olympics, naka-gold din sa Asian Games sa Indonesia noong nakaraang taon.

Halos maiyak na si Diaz nang ikinukuwintas sa kanya ang gold, nakabalabal ang bandera ng Pilipinas bago sumigaw ng “Thank you!” para sa kanyang fans.

Walang hirap na itinaas ni Diaz ang 91kg sa snatch, bago tagumpay na inangat ang 120kgs sa clean and jerk para sa 211 total. Nahigitan niya ang performance sa Asian Games nang bumuhat ng 207.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?