290

Aug 31, 2018 @ 13:51
By

Mga Kapuso artists na tumapak sa bakuran ng Kapamilya network

Ang gandang panoorin kapag ang guests sa rival network – Kapuso at Kapamilya – ay nag-o-ober da bakod para mag-promote ng kani-kanilang pelikula.

Sa ganitong sitwasyon tanging ang ABS-CBN lang yata ang nakakapag-guest sa mga Kapuso talent.

Wala pa yata kaming nalaman na nag-promote ng pelikula ang Kapamilya artist sa GMA-7. Kung meron man ay mangilan-ngilan lang.

Unlike sa ABS-CBN na kapag nagkasama-sama ang mga artista ng magkalabang network ay naigue-guest nila ang Kapuso stars.

In fairness to GMA-7, hindi naman makakaliban sa Kapamilya network para mag-promote ang kanilang artists kung hindi rin nila papayagan.

Ayon sa ABS-CBN entertainment news, 11 malalaking artista ng GMA-7 ang bumisita na sa Kapamilya network nu’ng nag-connive ang dalawang malaking network ng kanilang talents.

Ang “Primetime Queen” na si Marian Rivera nu’ng nagsama sila ni Ai Ai delas Alas sa “Kung Fu Divas.” That was 2013 at Kapamilya pa ang comedienne-actress na si Ai Ai.

Si Jennylyn Mercado na nakapareha ang Kapamilya actor na sina Derek Ramsay sa “Pre-Nup” at John Lloyd Cruz sa “Just The 3 Of Us.

Ang “Primetime King” na si Dingdong Dantes. Nagiging paborito siyang kuning leading man ng Star Cinema para sa kanilang artistang babae. Like Angelica Panganiban at ang naging talk-of-the-town na family drama “Seven Sundays” with Cristine Reyes, Aga Muhlach, Enrique Gil at Ronaldo Valdez.

Tiyak na muling makikita si Dingdong sa network dahil kasama siya ni Vice Ganda sa pang-Metro Manila Filmfest entry na “Fantastika.”

Nu’ng 2015 halos lahat ng shows ng ABS-CBN ay nabisita ni Dennis Trillo. Nakasama niya si Maja Salvador sa “You’re Still The One,” at Anne Curtis sa “Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?”

Si Solenn Heussaff naman sa “Love is Blind” at “Da Possessed” kung saan siya ang leading lady ni Vhong Navarro.

Si Vic Sotto ay dalawang pelikula ng Star Cinema na co-producer siya. Nakikita sa bakuran ng ABS-CBN ang “Eat Bulaga” host para sa pagpo-promote ng kanilang pelikula.

Tiyak this year ay muling aapak sa bakura ng Kapamilya network ang TV host-comedian actor dahil magkasama sila ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival.

Siguradong hindi lang si Vic ang makikita before the end year para mag-promote kundi si Maine Mendoza rin.

Si Joey de Leon ay gumanap na tatay ni Sarah Geronimo sa “Won’t Last A Day Without You” nu’ng 2011. Nag-guest siya sa “The Buzz” at “Kris TV.” Ang dalawang programa ay wala na ngayon sa ere.

Maging si Carla Abellana ay na-interbyu rin ng “The Buzz” at “Kris TV.” Apat ng pelikula ay kasama niya halos Kapamilya artists.

Dalawang movie rin ni Rhian Ramos na ang leading ay Kapamilya actor. Si Piolo Pascual sa “Silong” at Zanjoe Marudo sa “Fallback.”

Si Lovi Poe sa “The Bride and the Lover” at ‘Woke Up Like This” ay nage-enjoy kasama ang ABS-CBN stars.
At ang anak ni Joey Marquez na si WinWyn Marquez.

Naikot niya ang programa ng ABS-CBN nu’ng manalo siya sa beauty contest bilang Reina Hispanoamericana queen 2017 which is ang name niyang ginamit ay Teresita Ssen Marquez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?