94

By

Mga kandidatong lumabag sa Comelec regulations, pinangalanan

Nanawagan ang Comelec at Presidential Anti-Corruption Commission sa publiko na i-report ang sino mang kandidato na gagamit ng government resources sa kanilang kampanya.

Nagbabala ang Comelec nitong Biyernes, Pebrero 15 sa 40 senatorial candidates na hindi pa rin inaalis ang kanilang mga poster na lumalabag sa regulation on campaign materials.

“We are just informing them of our guidelines and giving them a warning to comply,” saad ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

Kabilang sa mga lumabag umano sa naturang regulasyon sina Freddie Aguilar, Sonny Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Zajid Mangudadatu, Koko Pimentel, Francis Tolentino at Cynthia Villar.

Kabilang din sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romy Macalintal at Lorenzo Tañada.

Lumabag din umano sina Raffy Alunan, Nancy Binay, Glenn Chong, Neri Colmenares, Larry Gadon, Conrado Generoso, Lito Lapid, Sonny Matula, Allan Montaño, Serge Osmeña, Grace Poe, Ibrahim Albani, Richard Alfajora, Ernesto Arellano, Marcelino Arias, Bernard Austria, Edmundo Casiño, Leborio Jangao, Rodolfo Javellana, Emily Mallillin, Faisal Mangondato, Luther Meniano, Willie Ong, Danilo Roleda at Antonio Valdes.

Umalma naman ang isang aspirant sa inilabas na listahan ng Comelec.

Ayon kay Generoso, hindi pa siya nagkakabit ng kahit na isang poster sa kahit na saan sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?