141
Mga kandidato ng Hugpong dedma sa debate challenge ng Otso Diretso
By

Mga kandidato ng Hugpong dedma sa debate challenge ng Otso Diretso

Hindi pinatulan ng mga “manok” ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang hamon na debate sa Plaza Miranda ng mga kandidato ng oposisyon.

Ito’y matapos hindi magsidalo ang HNP candidates sa debate laban sa Otso Diretso dahil kasalukuyan itong nasa campaign caravan sa Bulacan at Valenzuela.

Dahil sa hindi pagsipot, inilalagay umano ng mga kandidato ng Hugpong ang chairperson nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa kahihiyan, ayon kay opposition bet Erin Tañada.

Samantala, sina Gary Alejano, Chel Diokno, Pilo Hilbay, Romulo Macalintal at Tañada lang ang nagtungo sa Quiapo para sa debate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?