180

By

Mga journalist nag-reunite para kay Cesar Apolinario

Nag-alay ng kanta ang mga kilalang mamamahayag para sa yumao nilang katrabaho at kaibigan na si Cesar Apolinario.


Sa video ni Marvin Tomandao, makikitang kumakanta at naiiyak sila sa lamay ni Cesar na inalayan nila ng special version ng “Sana Ngayong Pasko,” sa liriko ni Arnold Clavio.

Naroon sina Mariz Umali, Raffy Tima, at Kara David. Kabilang din sa mga kumanta sina Tina Panganiban-Perez, Ivan Mayrina, at Nelson Canlas.

“Bakit ba naman kailangang lumisan pa? Ang tanging hangad ko lang ay bumalik ka na,” kanta nila.

“Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin kami, hinahanap-hanap ang ‘yong ngiti,” sambit pa nila.

Disyembre 13, 2019 nang pumanaw si Apolinario matapos ma-diagnose ng lymphoma o kanser sa lymph nodes. Siya ay 46 anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?