111

Mar 21, 2020 @ 20:47
By

Mga jeepney driver sa Makati, mabibiyayaan ng P2,000

Halos 2,000 jeepney drivers na residente ng Makati ang makakatanggap ng P2,000 tulong pinansiyal matapos nilang mawalan ng kita sa pinatupad na transportation ban dahil sa enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Pinag-utos ni Makati Mayor Abby Binay ang paglalabas ng tulong pinansiyal para sa 1,826 registered members ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association.

Alam ni Binay na hindi ito sapat pero siniguro niyang marami pang tulong ang parating.

Makukuha ito ng mga jeepney driver sa pamamagitan ng pag-apply online sa http://bit.ly/MakatiFinancialAssistance.

Maaari ring tawagan ang hotlines para sa financial assistance sa bawat barangay o mag-fill up ng application form mula sa kani-kanilang barangay.

Kapag nakumpleto na ang application nila, ihahatid ang pera sa bahay mismo ng jeepney driver.

Maliban sa mga jeepney driver, magkakaroon din ng financial aid ang may 5,952 tricycle drivers sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?