38

Feb 21, 2020 @ 13:57
By

Mga iligal na Chinese worker, itatapon palabas ng ‘Pinas – Palasyo

Ipapa-deport ang mga Chinese worker na gumawa ng iligal sa Pilipinas, ayon sa Palasyo.

“Basta ‘yung mga iligal pababalikin natin sa pinanggalingan nila. Basta may iligal na ginawa, ang presidente natin palaging [sinasabi] ipatupad ang batas,” ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo.

Ito’y matapos ang isyu ng ‘pastillas’ modus sa Bureau of Immigration (BI), kung saan nagbabayad ng P10,000 ang mga Chinese sa ilang Immigration official para mapadali ang pagpasok sa Pilipinas.

Matatandaan naman na pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang lahat ng opisyal at empleyado ng BI na sangkot sa nasbaing modus.

Samantala, pag-uusapan naman kung anong mangyayari kay Immigration Commissioner Jamie Morente kahit pa kumpiyansa si Duterte sa opisyal.

“Everyone is not off the hook. He will be,” saad pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?