66

By

Mga gabinete ni Duterte nakaboto na; balota ni Piñol ni-reject ng VCM

Nakaboto na ang halos karamihan sa mga gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes.

Kabilang sa unang bumoto ay sina Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa Pedro E. Diaz High School sa Alabang, Muntinlupa City dakong alas-sais ng umaga.

Si Agriculture Secretary Manny Piñol ay nakaboto na rin sa Paco, Kidapawan City subalit hindi tinanggap ng vote counting machine (VCM) ang kaniyang boto.

Dahil dito, iginiit ng kalihim sa electoral board na palitan ang kanyang balota at naghintay ito ng isang oras para mapalitan ito.

Sinabi ng kalihim na hiniling nito sa electoral board na busisiin kung bakit hindi tinanggap ng counting machine ang kanyang balota at matapos i-check ito ay nakitang may ballpen marking sa gilid ng balota.

Sinabi ng chairperson sa presinto ni Piñol na posibleng aksidenteng nasulatan ang balota kaya nagpasya aniya ang mga ito na palitan ang kaniyang balota.

“After my ballot was rejected by the PCOS machine in my precinct in Paco, Kidapawan City, I asked the electoral board to replace it. I fought for my right to vote especially so since my daughter and three siblings are involved in the race and mainly because I believe that a lifeless machine could not prevent me from exercising my constitutional right to vote,” ani Piñol.

Sa isang text message, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nakaboto na rin ito subalit hindi nito sinabi kung saan ito bumoto.

Nakaboto na rin si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Davao City habang sa Marikina City naman bumoto si Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?