553
Mga fan ni Ray Parks, hati sa kanyang tweet
By

Mga fan ni Ray Parks, hati sa kanyang tweet

Ilang araw matapos ang isyu na hindi pagsali ni PBA rookie Bobby Ray Parks Jr. sa Gilas Pilipinas pool, nag-tweet muli ang basketbolista at tila mayroong pinapatamaan.

“People are so sad now a days, di bale ng manakit o mangupal sa taong nanahimik basta may mapa-click lang sa articles kahit hindi totoo ang mga sinasabi smh, buong buhay ko itinataas ang bandila pero kapwa din pala ang hihila pababa,” tweet nito gamit ang handle na @ray1parks.

Hati naman ang naging reaksyon ng kanyang fans sa kanyang tweet at kanyang desisyon na ipagpaliban ang pagsali sa Gilas.

Tweet ni Jim (@jimbo_222), “that’s the problem of generation today. so don’t listen too much to social media. ever since naman may sinasabi na crab mentality ang pinoy. so don’t get affected, use it as motivation nalng. and pay attention only to people who support you, not to people who pulls you down. ”

“Wag mo sila isipin idol mga utak talangka lang ung mga un di nila naiintindihan ungpart mo mas madami pading nag mamahal sayo kaysa sa mga utak biha na nanjan na kinukupal ka lang Godbless idol,” mensahe naman ni joegen (@joegen12).

Suporta rin si Romarc Mataro (@reemkyrie14) sa kanyang idol. “Dont mind them idol. lantad naman sa lahat ng pilipino ang puso at kabayanihang binigay po para bayan :)”

“Masyado ka naman sensitive sir! pansin ko lang sayo masyado ka mapagpatol sa mga ganyan, wag mo sila intindihin.. mas kilala sarili mo kesa sa kanila. keep on Grinding!” payo naman ni Third Jonson (@ThirdJonson2).

Banat naman ni pogingpusit (@janitorfish19), “huh? Silly excuses lodi… Country call dpat di ka nagdadalawang isip..”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?