23

By

Mga fan ng Lyceum nagmaktol sa pagkatalo

Nakuha man ng Lyceum ang 2nd seed sa stepladder semis ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament ay isang malaking upset loss naman ang ibinigay sa kanila ng Letran Knights nitong Biyernes, 92-88.

Marami sa mga fan partikular na sa social media ang nainis at hindi matanggap ang pagkakatalo dahil inaasahan ng mga ito na may twice-to-beat advantage ang Lyceum.

“Akala ko lyceum beda sa finals e haha uwi na mga taga lyceum!” TWEET @kcruz030.

Pang-asar naman ang tirade ni @kcruz030, “talo lyceum HAHAHA manonood pa naman sana ako sa finals hahaha.”

“UPSET!!!! Akala ko twice to beat Lyceum hahahah,” sabi naman ni @patjeeeehhhh.

Hirit naman ni @joesarte823, “nagtataka pa rin ako kung bakit walang twice to beat advantage and Lyceum, tapos UP meron? Nasaan ang hustisya?

Sabi naman ni @karlolovenia, “Lyceum probably pissed as hell they didn’t get a twice to beat advantage for getting the second seed.”

Nalungkot naman ang netizen na si @keendom14, “at natalo ang lyceum na minamahal!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?