170
Mga fan kinilig sa b-day message ni Kathryn kay Daniel sa ASAP
By

Mga fan kinilig sa b-day message ni Kathryn kay Daniel sa ASAP

Ipinagdiriwang ngayong Linggo ang kaarawan ni Daniel Padilla sa ASAP, ito ang kauna-unahang birthday celebration niya sa ASAP na hindi sila magkasama ng girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Todo ang kilig ng mga fan nang ipanood na ang video message ni Kathryn para sa boyfriend.

“Hi love! Happy happy birthday! Madaming nagmamahal sa’yo. I will always love you, I will always protect you, and I will always be your number one fan. I love you so much,” saad ni Kathryn.

Mas lalong kinilig ang mga fan nang sumagot si Daniel sa mensahe ng nobya.

“I miss you so much Bal, and I will see you soon.”

Kasalukuyang nasa Hong Kong si Kathryn para sa taping ng pelikulang kaniyang pagbibidahan kasama si Alden Richards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?