114

By

Mga fan kinilig sa b-day greetings ni Maine kay Arjo

Hindi nagpatalo si Maine Mendoza sa pa-birthday greetings niya sa boyfriend niyang si Arjo Atayde, na nag-celebrate nga ng 29th natal day niya.

Bumuhos nga ang maraming pagbati kay Arjo sa social media at siyempre ni-repost niya halos lahat ng mga bumati sa kanya lalo na ang mga taong espesyal sa kanya.

Ilan sa mga bumati sa kanya ay sina Coleen Garcia, Yves Flores, Joross Gamboa at ang kanyang kapatid na si Ria Atayde, at maraming-marami pang iba.

Anyway, na-excite nga ang mga fan sa sinabi ni Joross na magkakaroon ng part 2 ang kanilang pelikulang “Tol” na ipinalabas nitong January 2019. Well, ‘di pa naman talaga sigurado ‘yun pero gusto nga nilang i-claim dahil nag-enjoy talaga sila sa set at na-miss na rin nila ang kanilang bonding.

At ‘yun na nga, ang pinaka-espesyal na pagbati para sa aktor ay ang galing mismo sa most special person sa buhay niya ngayon na si Maine Mendoza.

Well, kahit simple lang namang “Happy Birthday (with heart)” ang bati ng aktres, maraming-marami pa rin ang kinilig dahil sa picture na in-upload ni Meng.

Bibihira lang kasi mag-post ang dalawa ng picture nila together mula nang maging opisyal ang kanilang relasyon sa publiko.

Although marami pa rin ang torn ang puso dahil ‘di sila maka-move on sa AlDub, karamihan ay happy na rin talaga para sa love life ng kanilang mga idolo.

Gusto pa nga ng iba na masubukang mapanuod silang dalawa on screen para makita o patunayan talaga ang chemistry na meron sila.

View this post on Instagram

happy birthday ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?