95

By

Mga European team sa New Clark City ang training

Agaw atensiyon agad sa mga foreign team ang bagong New Clark City na gagamitin para sa 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ibinahagi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at Chief Executive Officer Vivencio Dizon na ilang team mula sa Central at Eastern Europe ay balak pag-training-an ang New Clark City para sa paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.

“Right now, we have already been getting feelers from countries abroad who want to train in the New Clark City in preparation for Tokyo 2020 because they have to acclimatize, they have to practice in the heat, and they have to get used to the time zone. They’re already approaching us,” saad ni Dizon nitong Lunes sa press conference.

Ayon pa sa BCDA president at CEO, usap-usapan rin ang pagho-host ng Asian Swimming Championships sa New Clark City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?