1,603

By

Mga estudyante pinagbawalang mag-aral: McDonald’s i-boycott – mga netizen

Pinulutan sa social media ang fast food chain na McDonald’s dahil sa kumakalat na larawan kung saan nakapaskil na pinagbabawalan ang mga estudyante na mag-aral sa isang branch nito.

Sa tweet ni Ian Rosales Casocot (@sandwichspy), mababasa na bawal na mag-aral sa loob ng kanilang establisimiyento dahil ayon sa management, para umano sa lahat ng gustong kumain ang fast food chain at hindi para sa mga estudyanteng kailangang mag-review o gumawa ng school works.

“We are pleased to request you not to study in our premises. This establishment is intended for everyone who likes to dine-in and enjoy our services and delicious foods that McDonald’s can offer,” ayon sa nakapaskil.

Sa post ng netizen, nireklamo nito ang pagbabawal ng McDonald’s sa mga estudyante na mag-aral lalo’t nakatayo umano ang nasabing branch sa isang university town, na base sa mga komento ay sa Dumaguete City.

Sinakto rin umano ng McDo ang ban sa pag-aaral sa Finals week ng karamihan ng mga estudyante.

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang desisyon ng McDonalds branch, may isang nagsabi na hindi umano ito makagaganda sa kita ng fast food chain dahil sa posibleng pag-boycott ng mga estudyante gayong nakatayo ito sa university town.

Depensa pa na may ilang mga mag-aaral na pinipiling mag-aral sa mga fast food dahil hindi lahat ay may matutuluyan sa Dumaguete at mas mura kaysa sa ibang 24/7 establishment tulad ng mga coffee shop at café.

“With Dumaguete being a university town, there is a large number of students who study in 24/7 restaurants and most of the customers naman in these restaurants are students. mcdo kicking students out for studying is a bad move considering their target market,” ayon kay @mafilabucuas.

“Sometimes their living quarters are playing a tug-of-war with their braincells. And what do you expect them to do with their measly allowance? Bumili ng kape sa starbucks na kapresyo na ng isang meal sa mcdo?” giit naman ni @midnightdr1fter.

May ilan namang nagtanggol sa McDo, hindi umano library ang lugar at karapatan umano ng fast food chain ang gumawa ng regulation dahil private company sila.

“Kakaiba ang sense of entitlement niyo hoy. Business establishment yan hindi public tambayan or study hub. Wala bang library sa school niyo?” sey ni @elipub15.

“McDo does not need students. Students buy 1 fries and sit for hours. Go ahead and boycott,They don’t need you guys! They’re better off without students even in university area,” pasaring naman ni @Rajassnani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?