70
ABANTE atm mach
By

Mga empleyado umaray sa dagdag-singil sa ATM fees

Kinontra ng mga empleyado ang pagmamahal ng singil sa mga automated teller machine ng mga bangko matapos ang pagtatapos ng anim na taong moratorium sa pagtataas ng fee sa mga ATM.

Sa report ng Inquirer, isang government employee ang umaray dahil sa kinakaharap na problema sakaling magtaas ang ATM fee ng mga banko.

Dahil dinidiretso ang sweldo ng mga government employee sa government-owned Land Bank of the Philippines, isang suliranin sa mga worker ang pagkuha ng sweldo dahil limitado lang ang ATM ng Land Bank.

At dahil sa kaunting ATM ng Land Bank, kumukuha sila ng kanilang mga sweldo sa ibang bangko at makakaapekto ito sa ilang mga empleyado.

“[Landbank ATM] are usually offline, especially during paydays. It’s very inaccessible. That’s why I’m forced to use other ATMs,” ayon sa government employee.

Ayon kay Makati Rep. Luis Campos Jr, posibleng tumaas ng 50 percent ang singil sa mga ATM, mula P10-P15 ay magiging P30 tuwing withdrawal.

Ngunit ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi maaaring basta magtaas ng singil ang mga ATM nang hindi dumadaan sa proseso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?