178
Mga empleyado ng PEZA, gagawing reservist
By

Mga empleyado ng PEZA, gagawing reservist

Bagong dagdag sa pwersa ng sandatahan ang bawat empleyado ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Ito’y matapos magkasundo sina Secretary of National Defense Delfin Lorenzana, Air Force Chief Lt. Gen. Rozzano Briguez, at PEZA Reserve Brig. Gen. Charito Plaza na gawing reservist ang bawat empleyado ng nasabing ahensya.

Martes, March 5, ay lumagda ang DND ng Memorandum of Agreement para sa training ng Armed Forces of the Philippines para magsagawa ng Special Basic Citizen Military Training para maka-enlist ang mga PEZA employee sa Reserve Force.

Ayon pa sa MOA, ang mga PEZA reservist ay gagamitin para sa seguridad at disaster response tuwing may sakuna o kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?