104

Feb 1, 2020 @ 14:34
By

Mga empleyado ng paaralan, ospital, hotel sa Taguig, pinagbabantay sa coronavirus

Para mapigilan ang posibleng pagpasok at pagkalat ng novel coronavirus sa lungsod ng Taguig, agad na pinulong ng lokal na pamahalaan ang Bureau of Immigration, iba’t-ibang ospital, mga paaralan, mga pribadong klinik, at hotels sa lungsod.

Ginanap ang pagpupulong sa Taguig City Satellite Office.

Sa pulong, hinikaya’t ng pamahalaang lungsod na makipagtulungan ang mga sektor na ito upang agarang ipaalam kung mayroong nakikitaan ng sintomas ng nCoV sa kanilang mga establisyamento upang agad na maaksyunan at mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Ipinaliwanag din ng Taguig LGU sa mga dumalo kung ano ang novel coronavirus, mga sintomas nito at mga paraan kung paano makakaiwas dito.

Nagbigay din ng paalala ang Taguig na hindi dapat mabahala o matakot ang sinuman sa nangyayaring ito dahil maigting ang pakikipag-tulungan ng bawat sektor sa pamahalaang lungsod.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa lahat ng stakeholders at naglalagay ng maayos na line of communication sa isa’t-isa upang mapanatili na safe city ang Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?