121

Oct 30, 2018 @ 15:10
By

Mga empleyado ng korte, half day lang ang pasok sa Oct. 31

Kalahating araw na lamang ang pasok ng lahat ng empleyado ng korte sa bansa bukas (Miyerkoles), Oktubre 31.

Sa Twitter post, sinabi ng SC Public Information Office na ang implimentasyon ng half-day work ay para lubusang makapaghanda ang mga court personnel sa All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Nakadeklara namang holiday ang Nobyembre 1 at Nobyembre 2 para bigyan-daan ang pag-uwi ng mga empleyado sa kanilang mga lalawigan na inaasahang magdadagsaan sa mga airpot at seaports.

Inaasahan kasi na maraming empleyado ang gustong makauwi sa kanilang mga lalawigan para mabisita ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Muling babalik sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyado ng korte sa Nobyembre 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?