293

May 5, 2020 @ 10:35
By

Mga dual citizen sa New Zealand ayaw nang maging Pinoy

‘Di na makapaghintay ang ilang Pilipinong dual citizen sa New Zealand na maitakwil ang kanilang Philippine citizenship.

Ito umano’y matapos ang nakatakdang sapilitang kaltas sa kita ng mga overseas Filipino worker na ilalagak sa kanilang PhilHealth premium.

Payo ng Embahada ng Pilipinas sa NZ, hintayin muna nitong mga dual citizen ang tugon ng gobyernong Duterte sa kanilang hinaing.

“Dear Philippine Dual Citizens – some of you have said you’d like to renounce your PH Citizenship due to #PhilHealth. But before you do, please await the response to the concerns raised by our Secretary of Foreign Affairs, and the petitions of the Global Overseas Filipino Community,” sambit ng naturang PH Embassy sa Facebook page nito, Lunes ng umaga.

Kahapon, sinuspinde ng Department of Health ang dagdag-singil ng PhilHealth matapos tutulan ng maraming OFW.

Sinabi rin ni Presidential Spokesman Harry Roque na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang health company na gawing boluntaryo at huwag obligahin ang mga OFW na magbayad ng kanilang premium.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?