812

Mar 26, 2020 @ 11:40
By

Mga DDS, Dilawan napagkaisa! Top 5 meme kay Koko Pimentel

Agad naglabasan ang patama ng mga netizen–na karamiha’y nananatili sa kani-kanilang tahanan–laban kay Senador Koko Pimentel.

Nakisimpatya kasi ang madla sa Makati Medical Center, na nagalit dahil nilabag ng senador ang infection control protocol ng gobyerno at sinamahan sa ospital ang buntis niyang asawa. Nabatid na nagpositibo si Pimentel sa COVID-19.

Dinaan sa meme ng ilang mamamayan ang pagkainis sa senador, na mismo anilang sumuway sa mga paalala nitong social distancing at home quarantine sa madla laban sa nakahahawang sakit.

1. KOKO Krunch

Sabi nila, kakalat ang COVID-19 sa Kamaynilaan dahil sa ginawa ng senador.

2. Sayang ang coco-nut

Hindi rin umano nagamit ni Koko ang kanyang isip nang lumabas pa rin ito ng bahay kahit hinihinalang merong sakit.

3. Lack of Kokote

Pati tuloy mga tuta, napakanta ng “Da Coconut Nut” ng Smokey Mountain.

4. The last Airbender

Ayon sa iba, meron namang mabuting naidulot ang senador: napagkaisa nito ang mga Pinoy, anupaman ang kanilang politikal na paninindigan.

5. KokoVid

Pero marami pa rin ang naniningil at giniit na ikulong ito dahil sa ginawang paglabag.

Ngayong Marso 26 humingi ng tawad sa Makati Med si Pimentel at giniit na wala siyang intensiyong suwayin ang protocol; gusto lang aniya niyang samahan ang asawang si Kathryna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?