68

Nov 20, 2019 @ 15:38
By

Mga dayuhan pinayagang mangutang sa mga bangko sa ‘Pinas

Pinahintulutan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko sa bansa na magpautang sa mga Chinese at iba pang dayuhan nang hindi na humihingi ng approval mula sa central bank.

Sa BSP Circular No. 1058 na pinirmahan ni OIC Francisco Dakila Jr. noong November 15, hindi na kailangang humingi ng BSP approval ang mga bangko kung magpapautang ito sa mga dayuhan sa bansa na may valid visa.

Consumer loans lang ang maaaring ipautang sa kanila at hindi puwede ang real estate at housing loans at kailangang may sapat na panahon na silang nanirahan para masuri ng bangko ang kakayanan nilang magbayad.

Credit cards at personal loans ang mga halimbawa ng consumer loans at hindi na kinakailangan ng collateral mula sa nangungutang.

Samantala, pinapayagan din ng BSP Circular No. 1058 ang mga bangko na magpautang sa mga overseas Filipino worker, diplomat at embassy official na sa Pilipinas nakadestino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?