50

By

Mga dating police officer patutulungin ni Lacson kay Robredo

Marami umanong ire-refer na tao kay Vice President Leni Robredo si Senador Panfilo Lacson na maalam sa operasyon laban sa iligal na droga.

Malaki aniya ang maitutulong ng mga ito para magbigay ng impormasyon at advice kay Robredo.

“Marami ako ire-refer na tao na both sa active service at newly retired na maalam sa operation ng dangerous drugs, kakausapin ko sila para makatulong sa inyo; para magbigay ng information. Hindi adviser. Ito mga volunteers kakausapin ko magboluntaryong tulungan siya, magbigay ng advice. Amenable siya. Talagang very interested siya matuto at talagang magampanan ang tungkuling ibinigay sa kanya,” wika ni Lacson.

“May mga former police officers doon na talagang maalam sa trabaho na wala namang assignment sa gobyerno,” dagdag pa niya.

Nilinaw naman ng senador na advice lang niya ito at bahala ang Bise Presidente na dumiskarte.

“Mga advice lang ito that she can take or not. Sa kanya na ‘yan. Pero maganda ang naging meeting. Napansin ko sa kanya very interested siya na matutunan especially sa law enforcement aspect. Pati ang comprehensive,” ani Lacson sa naging pag-uusap nila ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?