148

By

Mga dating player ni Jong Uichico, ka-level na niya ngayon!

Ilang kampeonato ang sinungkit ng San Miguel sa ilalim ni coach Jong Uichico, at kasama niya dito ang dalawang manlalaro na ngayon ay kasama na niya sa Philippine men’s basketball team.

Sa Twitter post ni Uichico, kanyang ibinida ang dalawang player na nahawakan noong siya’y nasa San Miguel pa, ito’y sina Olsen Racela at Freddie Abuda.

Magiging parte ng coaching staff si Abuda kasama si Uichico na magiging assistant coach, habang si Racela naman ay tutulong sa pagprepara sa Gilas para sa 30th Southeast Asian Games.

“How time flies! Before as my players, now as coaching staff for the SEAG under Coach Tim Cone,” ayon kay nine-time PBA champion na si Uichico.

Sa ngayon ay regular staff si Abuda para sa Barangay Ginebra San Miguel kasama si Racela. Hinahawakan din ni Racela ang FEU men’s basketball team sa UAAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?