19

Mar 25, 2020 @ 13:02
By

Mga COVID-19 frontliner ‘wag gawing volunteer – nurse

Naniniwala ang isang nars na dapat magsagawa ng mass hiring ng mga doktor at nars, imbes na manawagan ng mga volunteer ang Department of Health (DOH).

Una nang sinabi ng DOH na ang volunteer work ay para sa tatlong ospital na para lang sa paggamot at pagbabantay sa mga COVID-19 case sa ‘Pinas.

Humingi rin sila ng mga volunteer sa contact tracing ng mga nakasalamuha ang COVID-19 positive patients.

“Daily allowance” lang umano ang maibibigay ng ahensiya dahil sa matagal na hiring process, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Marso 23, sa ulat ng PDI.

Mensahe naman ng isang nars sa Abante (na ‘di pinangalanan para sa kanyang privacy), dapat bigyan ng mga panangga at wastong sahod ang mga frontliner na tutulong sa COVID-19 crisis.

Kinumpara rin ng naturang indibidwal ang pagbibigay ng buong sweldo at hazard pay sa mga kawani ng gobyerno na sumailalim sa home quarantine.

“It [will be] really nice to be called heroes but we have family to proctect and to feed. This will not bring food on the table,” wika nitong nars sa Abante, Marso 23.

“Marami gusto tumulong na mga Nurses sure ako jan. But all they want is—-PPEs,food, accomodation and foods, health insurance and salary kahit for short term,” sabi pa niya.

Mass hiring din ang sentimyento ng Filipino Nurses United (FNU).

Sa ngayon, ayon sa ulat, nasa 1,300 katao na ang pumayag na maging volunteer ng DOH.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?