54

By

Mga Chinese company binigyan ng 43 kontrata ng NGCP – Hontiveros

Bukod sa pagpayag sa ilang Chinese national ng “exercise leadership” at “management roles”, binigyan din umano ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng 43 kontrata ang mga kumpanyang Chinese, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Taliwas aniya ito sa naunang sinabi ng NGCP na limitado ang ibinigay nilang papel sa ilang Chinese na nagtatrabaho sa kanilang kumpanya.

“Mawalang galang, ngunit ito ay pinabubulaanan ng mga dokumentong nakarating sa aking tanggapan,” pahayag ni Hontiveros sa kanyang privilege speech.

Sa dokumentong ipinakita ni Hontiveros, isang Chinese national, Wen Bo, ay itinalaga bilang NGCP Chief Technical Officer habang isang Liu Zhaoquiang naman ang itinalaga bilang Assistant Chief Technical Officer for Operations and Maintenance.

“Correct me if I am wrong, but if your designation is operation and maintenance, you work in the nuts and bolts of the enterprise,” sabi ng senadora.

“Ang malala pa, the current chairperson of the NGCP is Zhu Guangchao of the State Grid Corporation of China,” sambit pa nito.

Bukod sa papel na ibinigay ng ilang mga Chinese national sa NGCP, binigyan din umano nila ng 43 kontrata ang ilang kumpanyang pag-aari ng mga Chinese.

“The NGCP has also awarded various procurement contracts to different Chinese firms,” sabi ni Hontiveros.

“Materials for the infrastructure of the transmission lines have been supplied by Chinese firms using Chinese designed technology. Makikita sa listahan na ito na 43 contracts have been awarded to Chinese corporations,” wika pa nito.

Binira rin ng senadora ang diumano’y ‘onerous concession agreement’ na pumapabor sa malaking kita ng China at NGCP sa kanilang transmission business.

“The government is losing money while NGCP is raking in profits. The corporation has achieved its return of investment of P180 billion due to profits from its transmission business alone with 15 more years left in the 25-year lifespan of the concession agreement with tax exemption. P7.4 billion taon-taon ang nawawala sa gobyerno dahil sa tax exemption,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?