84

By

Mga cabinet secretary, iba pa, bawal mangampanya! – Digong

Bawal mangampanya ang mga miyembro ng gabinete at iba lang nakaupong opisyal para sa kanilang mga sinusuportahang kandidato kaugnay sa nakatakdanf midterm elections sa Mayo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Peace and Order Summit for Barangay Officials sa Legazpi City, Albay ngayong gabi.

Sinabi ng Pangulo na gusto niyang maging neutral ang mga taga-gobyerno pati na ang militar at pulisya.

Wala aniya itong ibinibigay na pahintulot sa kanyang gabinete at iba pang nakaupong opisyal para ikampanya ang kanilang manok para sa darating na eleksiyon.

Ayaw aniya ng Pangulo na gawing isyu ang paggamit nf sasakyan, gasolina at eroplano ng mga opisyal para paboran ang kanilang mga kandidato.

” I want the Armed Forces and the Police to stay strictly neutral. Ang mga taga-gobyerno, including the Cabinet secretary, I have not allowed them to do some campaigning for or against anybody. Iyan ho ang maibigay ko sa inyo ngayon,”ayon sa Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya makikialam sa pulitika pero ikakampanya nito ang mga taong pinagkautangan niya ng loob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?