99

By

Mga bus terminal sa Edsa, ipasasara ng MMDA

Bilang tugon sa trapiko, ipag-uutos ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapasara ng bawat bus terminal sa EDSA na posibleng mangyari sa susunod na buwan.

Ayon sa panayam kay MMDA General Manager Jojo Garcia sa dzMM, inisasaayos na nila ang mga papeles para sa pormal na pagkansela ng mga prangkisa ng provincial terminal sa Edsa.

“Ang target po namin by May 15 po, nakapagsulat na kami sa LGUs canceling the business permits ng mga provincial terminals,” ayon kay Garcia. “Yan po ay isusubmit namin sa LGU ng Quezon City at Pasay dahil dito po madami.”

Ngayong Lunes ang simula ng dry run ng pagbabawal ng pagbababa at pagsasakay ng mga provincial bus sa kahabaan ng Edsa.

Saad ni MMDA Special Operations Head Bong Nebrija, ito ay para maiayos ang urban design ng Edsa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?