16

By

Mga biktima ng sunog sa Jolo, Sulu inayudahan ni Bong Go

Pinangunahan ni Senador Bong Go ang pagbibigay ng tulong sa mahigit 2,800 pamilyang nawalan ng bahay sa sunog sa Jolo, Sulu.

Namahagi siya kasama si Department of Social Welfare and Development Undersecretary Aimie Neri noong Huwebes ng financial assistance at grocery packs sa mga biktima.

Pebrero 3 nang lamunin ng apoy ang tatlong barangay sa Sulu.

Nagsimula ang sunog sa isa sa mga bahay sa Barangay Chinese Pier at mabilis na kumalat sa kalapit na Barangays Taku-Takut at Tulay.

Matatandaang hindi pa man siya senador, adbokasiya na ni Go na agad rumesponde sa mga biktima ng sunog at kalamidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?