39
ABANTE TNT doh heal duque visit dengvaxia
By

Mga biktima ng paputok, umabot sa 68 %— DOH

Bumaba ng 68-percent ang dami ng mga nadale ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque, sa kabuuan ay umaabot na sa 139 ang mga kaso ng fireworks related injuries, mas mababa kumpara sa 428 na mga kaso na naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon o mula December 21 hanggang January 1.

Paliwanag ni Duque, makasaysayan ang pagbaba ng mga nabibiktima ng paputok.

“This is the historic, biggest reduction in the fireworks-related injuries. Remember there were also times in the past na umuulan din pero mataas din ‘yung injuries,” saad ni Duque.

Wala pa ring naitatala ang DOH na kaso ng ligaw na bala.

Sa pinakahuling tala, nasa 107 ang bilang ng mga nasabugan ng paputok kung saan lima sa kanila ay kinailangang putulan ng bahagi ng katawan, 36 naman ang mga napinsala sa mata at dalawa ang insidente ng pagkalunok ng paputok o fireworks ingestion.

Ang bulto ng mga biktima para sa taong ito ay naitala sa National Capital Region, Western at Central Visayas, Central Luzon at CALABARZON.

Nangunguna sa mga sanhi ng paputok na nakadale sa mga biktima ay mula sa kwitis, boga, piccolo, lusis, at five star.

Magpapatuloy ang pagbibilang ng DOH hanggang January 5.

“We are gratified on the reduction but on the one hand, we are also saddened as there are still cases related to fireworks… One injury is too much to bear,” dagdag ni Duque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?