50

By

Mga bigating siklista tampok sa PRURide PH

Pepedal na ang mga elite cyclist mula Asia sa PRURide PH 2019 sa Subic Bay ngayong araw.

Ang karera ay may taltong yugto mula Subic Harbor point pa-Bataan hanggang sa peak ng Mt. Samat na may mga kategoryang individual, team at stage.

Ito ang ikalawang yugto ng International Cycling Union o UCI Stage Race na paglalabanan ng higit 150 professional rider na kumakatawan sa 25 international teams mula Malaysia, Taiwan, Singapore, Uzbekistan, Vietnam, Thailand, Indonesia, Australia, Brunei, Ethiopia, Hong Kong at South Korea at host Philippines,

Pakay ng mga kalahok na makalikom ng UCI points upang mag-qualify sa 2020 Tokyo Summer Games bukod pa ang cash prize na P2M.

Pangungnahan ng Standard Insurance, Go for Gold at 7-11 ang local bets sa 3-day bikefest.

“It will be an exciting and very competitive racing because this is by far the biggest contingent we have in the Philippine cycling history. It will be a power packed three days of racing,” saad ni race director Christian David Alacar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?