36

By

Mga bataan ni Alas nangangatog sa trade

Aminado si Phoenix Pulse coach Louie Alas na apektado ang ilang players ng Fuel Masters sa ‘di nawawalang tsismis sa mga trade.

Nawala aniya sa focus ang ilan sa kabila ng abiso sa kanila ng coach na maging professional at maglaro lang.

“Partly,” ani Alas sa epekto ng trade rumors sa kanyang team na natatluhang sunod na talo na, huli ang 97-81 defeat sa Magnolia nitong Miyerkoles.

Natengga sa 2-7 ang Fuel Masters, nanganganib nang mapagsarhan kahit sa playoff para sa huling spot sa eight-team PBA Governors Cup quarterfinals.

“Sinabi ko sa kanila head-on, kung nangyayari mga ganyang balita, just be professionals. Do not whine or feel bad about it. Pero after that, work hard para mawala mga balitang ‘yan,’” pasubali ni Alas paglabas ng dugout ng Cuneta Astrodome.

Para maiparating ang punto, inihalimbawa niya sa players ang TNT: “Look at TNT. Nasa top ‘yan, pero nagte-trade pa rin. What more tayo, na struggling.”

Natapos na noong Nov. 6 ng alas-12 ng tanghali ang trade deadline, wala nang galawan na magaganap hanggang matapos ang season.

Ramdam ni Alas ang sentimyento ng kanyang players, kaya pinapakalma niya ang mga ito at pinagsasabihan.

“Sabi ko, okay lang sumama pakiramdam n’yo. Pero at the end of the day, may kontrata kayo rito, mag-practice kayo, maglaro kayo ng tama,’” giit niya.

May dalawang laro pa ang Phoenix, kontra Alaska (Nov. 13) at Blackwater (Nov. 15). May paalala ulit si Alas sa kanyang Fuel Masters.

“Do not come to practice Saturday na as if we have no chance. It’s your responsibility to finish this strong.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?