41

By

Mga bata ni Velasco sisisid uli ng gold

Hinayag ng Philippine Swimming, Incorporated ang komposisyon ng pambansang koponan na hangad putulin ang isang dekadang pagkauhaw ng bansa sa gold medal sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Huling pang nagwagi ng gold, sa 11-nation biennial sportsfest nitong 2009 bago nabokya sa sumunod na apat na edisyon, huli dalawang taon na ang nakararaan sa Malaysia SEAG.

Umaasa naman si PSI president Ma. Lailani Velasco, sa kanyang mga bata lalo’t sanay na sa paglahok sa internasyonal na torneo ang mga nakatakdang kumampay.

“After receiving the nomination and carefully deliberating on them, we are happy to share to you the final roster for the coming 30th Southeast Asian to be held on December 4-9, 2019 at the New Clark City Aquatics Center in Capas, Tarlac,” ani Velasco.

Pangungunahan nina two-time Olympians Jessie Khing Lacuna at Jasmine Alkhaldi ang mens at womens team na kinuha sa qualifying tournament National Open.

Kasama sa men’s team ang magkapatid na Miguel at Rafael Barreto, Alberto Batungbacal, Jonathan Sebastian Cook, James Deiparine, Luke Michael Gebbie, Jarod Jason Hatch, Maurice Sacho Ilustre, Jerard Dominic Jacinto, Jen-Pierre Sameh Khouzam, Jade Christian Olson, Thomas Justin Perigrina at Rian Marco Tirol.

Ang coach sa men’s team ay si Sherwyn John Santiago habang assistant coaches sina Gary Domingo at Mar Joseph Casas.

Nasa women’s team naman sina Xiandi Chua, Thanya Angeline dela Cruz, Chloe Kennedy Anne Isleta, Desirae Aubrey Mangaoang, Nicole Justine Marie Oliva, Jazlynn Pak, Georgia Cate Peregrina, Miranda Cristina Renner, Joy Rodgers, Remedy Alexis Rule, Rosalee Mira Sta. Ana, at Roxanne Ashley Yu.

Si Jenny Rose Guerrero ang coach samantalang assistant sina Ma. Cristina Elena de Guzman at Candice Ramonne Federiso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?