678

By

Mga barangay official mabibiyayaan ng P3K Christmas incentive

Inihayag ni Senador Bong Go na magbibigay ang Office of the President ng P3,000 Christmas incentive sa mga barangay official.

Sakop ng incentive ang mga barangay chairman, kagawad, Sangguniang Kabataan chairperson at Indigenous People’s Mandatory Representative.

“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga barangay official na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” ani Go.

Maliban dito, may nakabinbin pang Senate Bill No. 391 o “Barangay Services Compensation Act” na inihain si Go na layong bigyan ng dagdag kompensasyon at benepisyo ang mga barangay official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?