127

By

Mga bangko, pinakiusapan na babaan ang bayad sa padala ng OFWs

Para maramdaman naman ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang malakas na dolyar, hiniling ni ACTS-OFW partylist Rep. Aniceto Bertiz III sa mga bangko na ibaba ang transfer charge sa perang ipinadadala ng OFWs.

Ito’y para maibsan rin anya ang epekto ng inflation o mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Paliwanag ni Bertiz, kung mas mababa ang bayad sa padala, madaragdagan ang remittance ng OFWs kaya may dagdag panggastos rin ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Reducing the cost of bank remittance services to five percent would mean some $1.5 billion or P80.1 billion in cost-savings and extra money in the pockets of our migrant workers and their families every year,” sabi ni Bertiz.

Base sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng World Bank (WB), umabot ng $28.1 billion na “personal cash” ang naipadala ng OFWs sa Pilipinas sa pamamagitan ng banking system noong 2017, at $4.9 billion sa non-bank remittance channels.

Sa nakalipas na 12 buwan, bumagsak na ng anim na porsiyento ang halaga ng piso kontra dolyar na nagsara sa halagang 53.52 noong first semester nitong Hunyo o mas mababa kumpara sa 50.46 noong nakaraang taon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?