119

By

Mga atleta tiba-tiba bago mag-Pasko

Bukod sa mga medalyang napanalunan ng mga atleta sa natapos, Miyerkoles ng gabi, sa 30th Southeast Asian (SEA) Games 2019, limpak-limpak na salapi rin ang maibubulsa nila mula sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang POC at PSC ay mamimigay ng tig-P300k sa nakakuha ng gold medal, tig-P150k naman para sa silver medalists, at tig-P60k para sa bronze winners habang si Duterte naman ay mamumudmod ng P250k sa gold, 150k sa silver at 100k sa bronze.

Maglalabas ang POC at PSC sa 149 gold medalist, 117 silver medalist, at 121 bronze medalist ng tig- P69,510,000, samantalang si PRD magpapaluwal ng P66,900,000.

Ang nasabing pabuya ng PSC ay base na rin sa nakasaad sa Republic Act 10699.

Ang pamimigay-pera ng POC at Punong Ehekutibo ay bilang pagbibigay-pugay at respeto sa mga atletang kinilala sa buong bansa at buong-husay ding nagpamalas ng kanilang talento upang irepresenta ang Pilipinas at pagwagian din ang pangkalahatang katatapos na 11-nation, 12-day biennial meet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?