641

By

Mga artistang adik, dapat ding pangalanan – Sotto

Matapos ilahad ang ilang mga politikong kasama sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan naman si Senate President Tito Sotto III na pati ang entertainment industry ay aksyunan na rin.

Saad ni Sotto, dapat ay pangalanan din ang mga artista na gumagamit ng iligal na droga.

“Might as well name the celebrities patronizing these drug pushers, at least ‘yun pag galing sa pusher ang info, validated,” ayon kay Sotto.

Matatandaan na ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dalawang big-time celebrity ang sangkot sa iligal na droga matapos mahuli ang isang hinihinalang nagtutulak ng party drugs na si Steve John Pasion.

“Marami tayong namonitor pero ‘yung na-confirm talaga natin based on text messages we extracted from his (Pasion) cellphone, dalawang artista. Itong isang celebrity na ito e bumibili ng drugs sa kanya. Ang last nabili niya is about 200 pieces ng ecstasy. Sa cellphone na nakita namin ‘yung litrato nila, these mga celebrity. Malaki ito. You can see him everyday,” ayon kay PDEA chief Aaron Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?